Linggo, Disyembre 16, 2012



Maynila ang kabisera nang ating bansang Pilipinas. Samakatuwid, halos lahat ng dayo o turista ay sa Maynila ang diretso upang mageksplor ng mga lugar na magaganda sa Pilipinas. Ilan na rito ay ang Manila Zoo na patok sa kabataan, hindi lamang mga dayo ang nagtutungo rito, gayundin ang mga kapwa nating Pilipino na nais makakita ng mga hayop lalo na sa mga kabataan na kakaunti pa lamang ang muwang kung ano ba ang mayroon sa mundong kanilang kinabihasnan. Pumapangalawa rito ang Rizal Park o dating Bgaumbayan ang taguri. Ang ibang piraso ng kasaysayan ng ating bansa ay naganap rito. Bilang ang ating Pambansang Bayaning si Jose P. Rizal ay dito napaslang, nagiging interesado ang mga dayuhan at ang mga Pilipino upang mas mapalawakan pa ang kanilang kaalaman ukol sa kanilang pinagmulang lahi.

Marami pang lugar ang sikat o patok na natitirik sa Kalakhang Maynila. Ang mga dayuhan ay naiibig na magtungo rito sapagkat hingil sa kanilang kaalaman na napakamakasaysayan ng bansang Pilipinas. Di lamang ang mga dayuhan ang nais magtungo rito. Pati na rin ang kapwa nating Pilipino na ipinagmamalaki ang mga lugar at makasaysayang pook dito sa Maynila. Bilang isang Pilipino, nararapat lamang na tulungan nating mapangalagaan ang mga lugar na ito upang mas matagal pa itong maglagak sa mundo. Sa gayong paraan, matutulungan natin ang mga susunod pang henerasyong malaman at makita ang mga magagandang lugar o makasaysayang pook sa Maynila at Pilipinas.