Linggo, Pebrero 3, 2013

LUGAW, Pagkaing Pinoy para sa lahat!
by: Christopher Riazo's group


LUGAW






Ang lugaw ay isa sa mga pagkain na paborito ng maraming tao dito sa Pilipinas at ang lugaw din ay maraming sustansya na mabibigay sa ating katawan.Isa na dun ang Carbohydrates.Ito ay tumutulong sa ating katawan sa pamamagitan ng pagbibigay ng enerhiya sa atin.Ang Lugaw di ay pwede pang mas pasarapin dahil pwede mo din itong haluan ng mga laman ng baboy at manok upang magkaroon ito ng KARNE.Mas masarap na mas masustansya pa dahil ang mga karne ay nagtataglay ng PROTEIN.









Ang PROTEIN ay nagbibigay ng lakas sa atin sa ating mga MUSCLES at nagdedevelop dito at ito din ay tumutulong sa ating mga sugat na gumaling agad ang sugat natin kaya diba may sustansya na masarap pa at syempre marami pang ibang sustansya ang Lugaw.
Isa pa sa kahalagahan ng lugaw ay ito ang madalas na ginagawa o pinapakain ito sa mga nasalanta ng bagyo o anumang trahedya tulad ng mga lindol ito ang kalimitang niluluto sa mga EVACUATION CENTER para sa kanilang pagkain.







Kaya para sakin ito ang "PAGKAIN NG BAYAN"dahil nga sa maraming may gusto nito ito pa ang nagbibigay buhay sa mga nasalanta ng bagyo kaya sa mga taong di pa nakakatikim nito ay tikman nyo na at baka magsisi kayo sa huli.

Sabado, Enero 5, 2013


                    MGA PATOK NA POOK 
                                       SA 
                   KALAKHANG MAYNILA
  (Popular places to visit in Manila, Philippines)








Ang Rizal Park na dating taguri ay BAGUMBAYAN. Dito pinaslang ang ating pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal.





Manila Ocean Park.
Ang Manila Ocean Park ay isang patok na pasyalan sa Maynila na tila ika'y naglalakad sa ilalim ng karagatan sa twing ika'y makakadaan sa mga pasikot-sikot nito. Marami pang ibang magagawa dito bukod sa pagtingin sa mga iba't ibang uri ng mga isda.


                                Gaya ng pagiging Aquanaut.



Ang Fort Santiago ay nagsilbing "quarters" ng mga hapon noong Pandaigdigang Labanan. Sa ngayon, makikita pa rin ang mga naiwang kanyon, at iba pang bahid ng giyera noon dito sa Fort Santiago. Dito rin ikinulong si Dr. Jose P. Rizal bago pa man ito paslangin.


Pabalik-balik ang mga Pilipino sa Divisoria dahil dito nabebenta ang mga kagamitan sa murang halaga na may kalidad pa din naman.

FLIPINO PROJECT OF JANINA GULAPA AND THE OTHERS


Linggo, Disyembre 16, 2012



Maynila ang kabisera nang ating bansang Pilipinas. Samakatuwid, halos lahat ng dayo o turista ay sa Maynila ang diretso upang mageksplor ng mga lugar na magaganda sa Pilipinas. Ilan na rito ay ang Manila Zoo na patok sa kabataan, hindi lamang mga dayo ang nagtutungo rito, gayundin ang mga kapwa nating Pilipino na nais makakita ng mga hayop lalo na sa mga kabataan na kakaunti pa lamang ang muwang kung ano ba ang mayroon sa mundong kanilang kinabihasnan. Pumapangalawa rito ang Rizal Park o dating Bgaumbayan ang taguri. Ang ibang piraso ng kasaysayan ng ating bansa ay naganap rito. Bilang ang ating Pambansang Bayaning si Jose P. Rizal ay dito napaslang, nagiging interesado ang mga dayuhan at ang mga Pilipino upang mas mapalawakan pa ang kanilang kaalaman ukol sa kanilang pinagmulang lahi.

Marami pang lugar ang sikat o patok na natitirik sa Kalakhang Maynila. Ang mga dayuhan ay naiibig na magtungo rito sapagkat hingil sa kanilang kaalaman na napakamakasaysayan ng bansang Pilipinas. Di lamang ang mga dayuhan ang nais magtungo rito. Pati na rin ang kapwa nating Pilipino na ipinagmamalaki ang mga lugar at makasaysayang pook dito sa Maynila. Bilang isang Pilipino, nararapat lamang na tulungan nating mapangalagaan ang mga lugar na ito upang mas matagal pa itong maglagak sa mundo. Sa gayong paraan, matutulungan natin ang mga susunod pang henerasyong malaman at makita ang mga magagandang lugar o makasaysayang pook sa Maynila at Pilipinas.