by: Christopher Riazo's group
LUGAW
Ang lugaw ay isa sa mga pagkain na paborito ng maraming tao dito sa Pilipinas at ang lugaw din ay maraming sustansya na mabibigay sa ating katawan.Isa na dun ang Carbohydrates.Ito ay tumutulong sa ating katawan sa pamamagitan ng pagbibigay ng enerhiya sa atin.Ang Lugaw di ay pwede pang mas pasarapin dahil pwede mo din itong haluan ng mga laman ng baboy at manok upang magkaroon ito ng KARNE.Mas masarap na mas masustansya pa dahil ang mga karne ay nagtataglay ng PROTEIN.
Ang PROTEIN ay nagbibigay ng lakas sa atin sa ating mga MUSCLES at nagdedevelop dito at ito din ay tumutulong sa ating mga sugat na gumaling agad ang sugat natin kaya diba may sustansya na masarap pa at syempre marami pang ibang sustansya ang Lugaw.
Isa pa sa kahalagahan ng lugaw ay ito ang madalas na ginagawa o pinapakain ito sa mga nasalanta ng bagyo o anumang trahedya tulad ng mga lindol ito ang kalimitang niluluto sa mga EVACUATION CENTER para sa kanilang pagkain.
Kaya para sakin ito ang "PAGKAIN NG BAYAN"dahil nga sa maraming may gusto nito ito pa ang nagbibigay buhay sa mga nasalanta ng bagyo kaya sa mga taong di pa nakakatikim nito ay tikman nyo na at baka magsisi kayo sa huli.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento